Tagalog Pocketbooks - Santi Sixto Kabanata 1

PARA kay Santi Sixto na isang gentleman farmer, o isang magsasaka na nagtatrabaho sa kanyang taniman hindi para kumita nang husto kundi para magkaroon ng kasiyahan, ang buhay ay isang masayang paglalakbay.

Ang guwapong binatang ito na taga-Santiara ay hindi nahiniwalang dapat siyang tumulad sa mga kapatid na kilala sa buong mundo.

Ayaw niyang maging kagaya ng kuya niyang si Abraham, na kinilalang henyo ng mundo dahil sa katalinuhan, na ngayoy sa New York na nakabase at mayaman na.

Lalong ayaw din ni Sixto na maging kapareho ng nakababata niyang kapatid na si Gabriel, na gaya ni Abraham ay tanyag naman sa global community bilang Olympic-medalist swimmer at kabilang na rin sa staff ni Barack Obama dahil sa galing sa computer.

Sapat na kay Santi Sixto na pagyamanin an kanyang munting taniman sa paraang kasiyasiya sa kanya; segundaryo na lang ang kanyan pagkita.

Ang katabing lote ng Santiara ang pinagkakaabalahan ngayon ni Sixto.

Ito ay bukod sa pagyayaman niya sa bahaging taniman ng Santiara.

May dalawa siyang tauhang tagasaka na siya ang namamahala sa tamang pagtatanim.

Tapos ng agriculture sa UP Los Banos si Santi Sixto, scientific farming ang kanyang ginagawa sa mga lupang kanyang tinatamnan.

Low-profile siya, ayaw na ayaw matulad kina Abraham at Gabriel na laging pinagkakaguluhan ng mga tagahanga at kababayan kapag umuuwi sa San Simon.

Santi Sixtooo!

Napatigil sa pag-aararo si Sixto, ihininto ang traktora.

Padating ang kanyang ina mula sa bakuran ng Santiara, papasok na sa lupang nabili ni Sixto.

Pinatay muna ng binata ang makina ng traktora.

Mommy! Whats up?

Sixto, dinalhan kita ng mainit pang spaghetti at pizza! Ako ang nagluto, masarap!

Mommy, sana po ay hinintay nyo na lang ako sa bahay. Napagod pa kayo. Nakababa na sa traktora ang guwapong binata, sinalubong na ang butihing ina.

ConversionConversion EmoticonEmoticon

:)
:(
=(
^_^
:D
=D
=)D
|o|
@@,
;)
:-bd
:-d
:p
:ng
:lv